Kay ganda mong pagmasdan,
Animo’y diyosa mula sa kalawakan.
Hindi hinog sa pilit
Ang iyong alindog na kaakit-akit.
Ang iyong mga labi na di pa man ngumiti,
Pakiwari ko’y nangingiliti
Sa aking puso na labis na nabighani.
Kislap ng iyong mga mata,
Kumukutitap na animo’y mga tala,
Nangungusap na sa kabila ng pighati,
Mga luha pilit na kinukubli.
Malasutlang hibla ng iyong mga buhok
Na sing-itim ng kalaliman ng gabi,
Bumabalot sa iyong kaisipang di ko marurok.
Ano man yaon, Bathala lamang ang makapagsasabi.
Kilos mong napakayumi,
Humahanga at umiibig sa iyo’y napakarami.
Alipin sila ng iyong kagandahan.
Sino bang hindi mababaliw sa tulad mong… Paraluman.








Leave a Reply