Pangako

Sa tuwing nalulungkot ka… isipin mo ang mga masasayang pinagsamahan natin.
Pag di mabuti ang pakiramdam mo, damhin mo lang ang puso mo…
Kumalma at isiping nasa tabi mo lang ako… yakap-yakap mo.

Gawin mo akong lakas mo.
Sa oras na panghinaan ka ng loob, isipin mo lang na… hawak-hawak ko ang kamay mo at inaalalayan kita.
Nandito lang ako. PANGAKO ko yan sa iyo.

Tibayan ang loob, ano mang unos ay kakayanin.
PANGAKO ko, nandito lang ako.

Leave a Reply

Trending