Nakatakda

May dahilan kung bakit nakilala natin ang isa’t isa.
Hindi ito aksidente.
Marami tayong nakakasalamuha… bata, matanda o kaedad, may kaya, salat o may estado sa buhay.
Lahat sila sa atin ay itinadhana.

Nang makilala kita, damang-dama kong “ikaw na” ang bigay ng Maylikha.
Tanging hiling ko lang… sana’y di ako nagkamali.
Nawa’y ang ating pagmamahalan ay pagtibayin ng Poong Maykapal.

Siya nawa ang bahala kung ito talaga ang NAKATAKDA.

Leave a Reply

Trending