Community voice: Leo Selomenio (Oct/Nov 2024)

Founder and chairperson of Global Alliance Leo Selomenio shares the latest updates from the community

A person standing and smiling, wearing glasses, a dark plaid jacket over a maroon shirt, and light blue jeans with white sneakers, against a neutral background.
Isang babae na may suot na face mask at blusa, nakaturo sa kanyang braso kung saan may band-aid na nakadikit, sa harap ng berdeng background.

Magandang araw, mga kabayan!

May mga kaibigan ako na nagtatanong sa akin kung may alam ako na mga workshops or seminars na pwede nilang puntahan kapag day-off nila, lagi kong sinasabi na i-check out nila ang Migrants Workers Office (MWO) Facebook page dahil lagi silang may mga seminars, trainings, workshops, at iba pa.

Nitong nakaraan na September 15, may naganap na Personality Development Training in collaboration with the Naveda Integral Wellness Centre Hong Kong sa MWO-OWWA (Overseas Workers Welfare Administration) training centre na nakafocus sa “style, soul, and self-care”.

Noong September 22 naman, may naganap na Psychosocial Counseling  – Art as Therapy for Stress, mahigit 40 ang lumahok para makinig sa mga MWO-OWWA Mental Health Providers na mga professional Psychologists, na nagbigay paliwanag sa importansya ng ating mental health.

Bukod pa sa mga collaborations with the Labour Department ng Hong Kong, may mga health check-up and libreng flu vaccinations pa. Every month may regular live podcasts din ang ating MWO-OWWA Welfare Officer Malou Sumalinog, kung saan nag-aannounce siya ng mga bagong advisories, nagbibigay payo sa mga maiinit na issues, nagpapaliwanag ng mga livelihood programmes, at iba pa. 

Suggestion ko din sa mga naghahanap ng magagawa tuwing day-off,

tumingin din sa mga Facebook page ng ibang mga community groups, kasi madalas meron silang iba’t ibang mga activities tulad ng beach clean-ups, sports, Zumba classes, flower making, arts & crafts, chess clubs, dance groups, and many more. 

Nandiyan din ang mga non-governmental organisations (NGOs) tulad ng Pathfinders – na tumutulong sa mga migrant mothers, HELP – nagbibigay payo sa mga migrant workers na may problema, Enrich – nagbibigay ng mga workshops tungkol sa financial literacy, at Uplifters – may mga online education courses. Sila ay may mga ambassador programmes para ma-train din kayo para makatulong din sa ating ibang kababayan na nangangailangan.

Siyempre, huwag kalimutang magbigay din ng oras para sa ating mga sarili. May mga araw na ramdam talaga natin ang ating pagod at stress, ito yung mga day-off na kailangang magrelax, maglakad lakad, at gawin ang mga bagay na nagpapasaya at nakakawala ng stress. 

Importante na alagaan natin ang ating sarili, dahil kung maayos ang ating mental and emotional health, mas may maibibigay tayo sa ating trabaho, sa ating mga kaibigan, at sa ating mga mahal sa buhay.  

Find out more:

Leave a Reply

Trending