Mula sa unang pag-iyak… hanggang sa unang masilayan ang unang liwanag,
Magandang buhay ang sa iyo’y itinakda ng Maylikha ng lahat.
Sa iyong pag-usad… unti-unting matatanto ang tunay na kabuluhan ng buhay.
Halo-halong emosyon, problema at mga solusyon.
Tagumpay at maging pagkabigo.
Mga pagsubok upang malaman kung ikaw ay matatag o marupok.
Iba’t ibang uri ng mga tao ang ating makakasalamuha.
Matutong makibagay… makisama at makipaglaban.
Gumawa ng kabutihan sa kapwa.
Mag-iwan ng magandang bakas upang sa ating paglisan sa mundong ibabaw…
Tayo ay kanilang “pakatatandaan”.








Leave a Reply