Nais ng bawat isa ang mabigyan ng tamang halaga.
Ikaw at ako… tayong lahat ay mahalaga.
Buhay na bigay ng Maylikha, iyong pakaingatan,
Sapagkat tayo’y minsan lang daraan dito sa mundong ibabaw.
Lahat ng tao at mga bagay na nakapaligid sa atin… biyayang bigay din.
Oras para sa lahat dapat pahalagahan din natin.
Lahat ng nilalang sa mundo ay may kanya-kanyang gampanin.
Bawat isa ay may napakahalagang tungkulin.
Pakatandaan! Tayong lahat! Kasama ang lahat ng nilikha ng Ama…
Lahat ay may HALAGA!








Leave a Reply