Mula noon hanggang sa kasalukuyan, ako’y laging nangangarap.
Maayos ang lahat, masaya at mapayapa, simple lang at kuntento.
Kalakip sa mga pangarap ko ay ang makasama ka.
Tayong dalawa… magkahawak-kamay sa lahat ng laban ng buhay,
Palaging magmamahalan, higit sa lahat… walang iwanan.
Pangarap ko na sana… pag-ibig mo’y di kumupas,
Mananatiling matatag at wagas, ano mang unos ang dumating sa buhay.
Patuloy na aarugain ang isa’t isa.
Pangarap ko na sana ay matupad.
Ikaw at ako… hanggang sa dulo.








Leave a Reply