May Oras Ka Pa Ba?

Sa bawat araw… abala ka.
Maraming oras ang ginugugol sa trabaho, mga gawaing bahay, aktibidad sa eskwela at sa iba pang larangan.

May oras ka pa ba? Para sa sarili? Para sa pamilya? Para sa kaibigan?
May oras ka pa ba? Para sa KANYA?

Ikalma ang sarili.
Maglaan ng oras para sa lahat.
Magtakda ng oras para sa paggalaw at paghinto.
Humingi ng gabay at proteksyon.

Oras ay napakahalaga! Bigyan ng kapayapaan ang sarili.
Maging abala… ngunit dapat matutong huminto sa tuwing nahahapo.

May oras ka pa ba? Para magdasal? Para magpahinga?
Magrelax at magsaya kasama ang mga mahal sa buhay?

“May oras ka pa ba, kaibigan?”

Leave a Reply

Trending