Maraming beses na akong nabigo.
Di inaasahang… ikaw at ako’y magtatagpo.
Tayo na ba ang nakatadhana?
Di alintana… ang simpleng pagkakaibigan ay humantong sa pagmamahalan.
Sa ikli ng pinagsamahan, ikaw ba ang siyang kapalaran?
Masasayang usapan… nauwi sa pag-iibigan.
Mga ngiti mo’y kakaiba.
Malakas na kabog sa dibdib, may kiliti ang hatid.
Di inaasahan… tayo’y magkakaunawaan.
Ikaw lang ang siyang nais ng puso ko’t isipan.
Ika’y pakamamahalin hangga’t ako’y mabubuhay.








Leave a Reply