Huwag Ka Na

Sa simula, hatid mo ay ligaya, walang humpay na kasiyahan.
Iyong ipinadama, ipinakita ang mga senyales ng tunay na pagsinta.
Di kalaunan… ika’y biglang nagbago na.

Puso ko’y nalumbay, iyong sinaktan at sinugatan.
Huwag ka na… ayaw na kitang makita.
Sa piling mo’y pagdurusa.
Kapayapaan sa puso at isipan ay ibig ko na.

Huwag ka na… tama na ang mga pasakit.
Puso ko ay iyong pinagpupunit.
Huwag ka nang magpumilit na ang pag-ibig ko ay manumbalik.

Huwag ka na… tama na! Tapos na tayo… ako’y bigyan mo ng pahinga.

Leave a Reply

Trending