
Hinagpis
By Sol Ramel

Taong malupit punong puno nang galit
Sa puso’y nakabaon ang hinanakit
Sa damdamin nila ay puro pasakit
Dapat magagandang asal ang ipalit.
Kawawang nilalang laging sinasaktan
Mga demonyong galing sa kadiliman
Mapagmata, mapanuri’t lapastangan
Sadyang walang malay pinagbibintangan.
Ating mundo ay bilog at umiikot
Kalagayan mo’y minsan dimo matarok
Tuloy ang pakikibaka sa pagsubok
Ngunit sa huli’y sa itaas iluklok.
Walang kalaban laban puro pighati
Pagkatao’y niyurakan niyuyupi
Sa sulok lumuha’t impit ang paghikbi
Hiling sa Diyos sa bibig namutawi.
Kumakapit na lang sa Poong Maykapal
Upang naranasan sa puso’y maibsan
Kapalaran haharapin at labanan
Mga minimithing tagumpay makamtan
Camaraderie
By Melchie Guihama

Camaraderie is friendship and mutual trust.
Trust is needed in friendship to make it last.
Last but not least, you must be honest.
Honesty and sincerity are the best.
Best to live with understanding and love.
Love, care, and unity can create peace.
Peace in the world I’m always praying.
Praying to bind us all together as one.
One day you will understand.
Understanding is one of God’s words.
Words are powerful, so be careful.
Be careful what comes out of your mouth to hurt.
Hurtful words are hard to forget.
Forgetting is not easy even if you do forgive.








Leave a Reply