Mga larong pambata sa Pilipinas

Ang mga larong tradisyunal na Pilipino gaya ng sipa, piko, sungka, at patintero ay karaniwang nilalaro sa kalye at nangangailangan ng mga simpleng kagamitan at patakarang masaya at nakakapagbigay saya sa mga tao

Isang batang lalaki na nakasuot ng orange na t-shirt at asul na shorts ang sumusipa ng bola ng sipa sa isang patag na lugar habang may mga kaibigan sa likod na nanonood.

Sa larong sipa, kinakailangan ng pamato na sisipain; pwede itong tingga na may buntot na may hibla ng plastik o balahibo ng manok, o maaari ring gumamit ng bola na rattan o goma. Ang maari lamang gamitin na bahagi ng katawan para sa aksyon ng pagsipa ay paa, tuhod, siko, ulo at braso. Hindi pwedeng gamitin ang mga kamay.

Isang grupo ng mga bata na naglalaro ng piko sa kalsada, may guhit na patag na laruan sa lupa.

Ito ang  Pinoy bersyon ng Hopscotch. Kadalasan ay sa kalsada ito nilalaro dahil kailangan ng patag at malawak na lugar sa lupa o semento na pagguguhitan ng palaruan ng piko. Ang magandang pamato ay kailangan din na kalimitan ay makinis at pantay na bato para maganda ang anggulo ng paghagis. Magpapalitan ang mga manlalaro sa paghagis ng pamato at sa paglukso sa piko hanggang sa may unang matapos.

Tatlong bata na naglalaro ng sungka sa labas ng isang bahay. Isang batang babae ang nag-aayos ng mga sigay sa mahabang tabla habang ang ibang bata ay nakaupo at may kasamang ibang matatanda sa likod.

Ito ay larong pandalawahan, gamit ang isang mahabang tabla ng kahoy na may pitong (7) maliliit na butas (tawag ay bahay) sa harap ng bawat isa at dalawang mas malalaking butas sa magkabilang dulo (tawag ay imbakan). Sakop ng bawat isang manlalaro ang mga bahay na nasa kani-kaniyang harap ng tabla, at ang bilang ng mga sigay o butil na naipon sa kani-kaniyang mga imbakan na nasa gawi ng kaliwang kamay ng bawat manlalaro; ito ngayon ang pinakapuntos nila. Ang pinakamaraming butil – na pwedeng maliit na bato, buto ng sampalok o holen – sa kanilang imbakan ang siyang panalo.

Isang bata ang lumalundag mula sa itaas habang ang ibang mga bata ay naghihintay sa ibaba, tila naglalaro sa isang lugar na napapalibutan ng mga puno ng kawayan.

Tatlo o mahigit pa na manlalaro ang mga kasali sa larong luksong tinik. Ito ay dahil kailangan ng dalawang taya na  gamit ang kanilang paa at kamay na magsisilbing tinik o bakod na luluksuhan ng mga ibang kasali. Ang layunin ng laro ay lumundag sa tinik na hindi natatamaan ang anumang bahagi ng katawan ng mga lulukso.

Isang grupo ng mga kabataan na naglalaro sa isang patag na lupa, na may mga puno sa likuran. Mukhang sila ay naglalaro ng isang tradisyunal na larong Pinoy na may mga aktibong galaw.

Dalawang grupo na binubuo ng mula dalawa hanggang anim na mga manlalaro ang kailangan. Gumuhit ng parisukat at pagkatapos ay hatiin sa apat; ito ay magsisilbing patlang kung saan dedepensahan ng isang grupo ang pagpasok ng kabilang grupo. Ang layunin ng mga manlalaro ay ang matagumpay na pagtawid at paglagpas sa mga nakabantay sa mga linyang ginuhit nang hindi nahaharangan o nahuhuli ng mga nakabantay na grupo. 

Isang lalaki ang umaakyat sa mahabang kawayan habang nakakapit nang mahigpit, nasa likod ang asul na kalangitan.

Kadalasang palaro sa mga bayan tuwing fiesta. Ang mga kalahok ay mag-uunahan sa pag-akyat sa isang nakatayong mahabang kawayan na nababalutan ng pamapadulas na sebo o mantika . Masaya ito, dahil nadudulas at pabalik-balik sa baba ang mga sumusubok umakyat. Ang unang makakaakyat sa itaas at makukuha ang premyo na nakakasabit sad ulo ng kawayan ang siyang panalo.

Mga bata na naglalaro ng Chinese garter habang ang isang bata ay lumalundag sa itaas ng garter sa kalsada.

Gamit ang isang mahabang lastiko o garter na hawak ng dalawang manlalaro ay kailangang luksuhin ng nakatalagang lumundag. Sinisimulan sa mababang sukat, at itinataas ang garter nang paunti-unti sa bawat antas o lebel na malulundagan. Kakayahan sa paglundag at husay sa pag-unat ng mga binti at paa ang nasusukat sa larong ito. Ang mananalo ay ang may pinakamataas ang lundag na pasok sa loob ng garter.

Isang tao na nakaluhod at gumagamit ng stick para maghukay sa lupa.

Binubuo ng dalawang koponan o teams ang syato. Kailangan ng dalawang patpat, isang mahaba – ang pamalo, at isang maikli – ang pamato. Sa home base nagsisimula ang bawat laro, kung saan ilalapat ng koponan na taya yung pamato at gagamitin ang pamalo para palayuin ang pamato. Ito ay kadalasang nilalaro sa lupa dahil dapat gumawa ng mababaw na hukay na siyang paglalagyan ng pamato nang pahiga at patayo.  Nasa magkabilang dulo ang magkalaban na koponan.

Mga bata na naglalaro sa kalsada gamit ang pamato at may nakatayong lata sa gitna.

Tumbang preso

Isang lata na walang laman at tsinelas lamang ang kailangan para makapaglaro ng tumbang preso. Magkakaroon ng isang taya na siyang magbabantay ng lata. Salitan magpatumba ng lata ang mga ibang manlalaro gamit ang kanya kanyang tsinelas. Kapag naipatumba na ang lata, kailangang kunin nila ang kanilang mga sariling tsinelas nang hindi mahuhuli ng taya. Ang mahuli ang siyang papalit na maging taya. 

Leave a Reply

Author

Trending

Discover more from Pangyao

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue reading