Fiesta sa Mayo!

Ang Mayo sa Pilipinas ay punung-puno ng mga pista, kabilang ang Pista’y Dayat sa Pangasinan, Carabao Festival sa Nueva Ecija, at Pahiyas sa Quezon, na nagdiriwang ng ani at kultura

Isang tanawin ng baybaying-dagat na may mga bangka at mga puno ng niyog sa ilalim ng maulap na langit.

Sa probinsya ng Lingayen, Pangasinan, ang Mayo ay nakalaan sa pagpapasalamat para sa masaganang  ani at pangingisda.  Pista’y Dayat, o Pista sa Dagat sa Tagalog, ang pinaka-engrandeng selebrasyon sa Pangasinan.  Hindi lang ito kasiyahan sa iisang bayan kundi isang malaki at mahalagang okasyon din para sa mga Pangasinense.

Layunin din ng pagdiriwang na imulat ang mga Pangasinense at iba pang mga Pilipino tungkol sa kultura, musika, sayaw at sining ng Pangasinan. Kasama sa mga aktibidades ay ang parada, mga palaro, Limgas na Dayat beauty pageant, mga konsyerto at variety shows, iba’t ibang mga kompetisyon at patimpalak tulad ng sand sculpting, boxing, kite-flying, boat painting at iba pa.

Colorful illustration of a carabao's head, representing the Carabao Festival on May 15, with vibrant hues and bold design.

Ang Carabao o Kalabaw Festival ay ipinagdiriwang sa mga bayan ng San Isidro sa Nueva Ecija, Angono sa Rizal at Pulilan sa Bulacan. Ito ay para sa Pista ng Santo ng mga trabahador at magsasaka na si San Isidro Labrador.  Ito ay pinagdiriwang tuwing ika-15 ng Mayo.

Ang pinagtutuunan ng pansin sa araw na ito ay ang mga masisipag na kalabaw. Pinapaliguan at nililinisan ng mga magsasaka ang kanilang mga kalabaw, pinipintahan ng mga makukulay na obra, sinasabitan ng bulaklak at humihila sila ng mga magagarbong arko na ipinaparada sa bayan.  Ang mga kalabaw ay tinuruang ding lumuhod kapag natatapat sa simbahan upang magbigay pugay kay San Isidro.

Signage and decorations for the Pahiyas Festival, featuring colorful elements representing the celebration in Lucban, Quezon.

Tuwing Pahiyas, pinapalamutian  ng mga taga-Lucban, Quezon ang kanilang mga bahay ng mga prutas, gulay at kiping – na gawa sa giniling na bigas at food colouring. Dati itong ipinagdiriwang ng mga magsasaka sa pamamagitan ng paglagay ng mga alay sa paanan ng Mount Banahaw upang magpasalamat sa masaganang ani.

Ngayon, ipinagdiriwang na din ang pista ni San Isidro – Santo ng mga magsasaka. Nililibot ng pari ang bayan upang basbasan ang mga ani na nakapalamuti sa mga bahay.

Isang tindahan na puno ng mga hinog na mangga na nakasabit at nakaayos sa mga paleta, bahagi ng pagdiriwang ng Manggahan sa Guimaras.

Isang linggong pagagalak at patimpalak ang nagaganap sa Guimaras upang ipagdiwang ang araw ng kasarinlan nila bukod sa probinsya ng Iloilo noong ika-22 ng Mayo, 1992. 

Magkatugma ang anihan ng mangga sa kanilang  araw ng kasarinlan, kaya idinaraos na rin nila ito sa parehong petsa. Ang mangga ay ang pinakamalaking ani ng Guimaras at dahil dito, tinanghal ito na “Mango capital of the Philippines”.  May all you can eat na mango buffet, mga kasuotan na ang inspirasyon ay mangga at parade na ang mga float ay mango-inspired din.

Mga tao na nagsasaya sa kalye habang nagsasagawa ng tradisyunal na sayaw sa isang festival, nagtutulungan at may hawak na mga basket, may mga nakatayo sa likod na mga tao at mga kulay na payong.

Ito ay ginaganap sa Jiabong, Western Samar. Ipinagdiriwang ng mga Jiabongnon ang masagana nilang ani ng tahong sa kanilang nalalapit na karagatan. Ito din ang Pista ni San Pascual Baylon, ang santo ng bayan.

Makulay na dancing parade, mga palaro sa plasa, tagisan ng galing sa awit, sayaw at palakasan. Kapalit ng rebulto ng bayani, ang nakatalaga sa labas ng gusali ng munisipyo ng Jiabong ay apat na malalaking tahong na gawa sa semento.

A scenic view of Mayon Volcano in the background with a person seated on a rock, taking a photo amidst lush greenery and a stream in the foreground.

Ang selebrasyon ng Magayon ay nagsimula sa alamat ni Daragang Magayon (dalagang maganda). Ang kuwento ay may dalawang manliligaw si Daragang Magayon ngunit isa lamang sa kanila ang kanyang tunay na iniibig. Natapos ang kanilang kwento sa pagpanaw ni Daragang Magayon at ang kanyang mahal na si Panganoron. Ang kanilang libingan ang naging Bulkang Mayon.

Sa pagdiriwang na ito, pinapakita ng mga mamamayan ng Legaspi City, Albay ang kanilang kultura, pagkain, sining at kagandahan ng kanilang mga tanawin.

Isang parada ng Santacruzan kung saan ang grupong nagdadala ng estatwa ng Birheng Maria ay sinasamahan ng mga tao na nakasuot ng makukulay na kasuotan sa isang makulay na kalye.

Ang Flores de Mayo ay selebrasyon para sa Birheng Maria. Sa buong buwan ng Mayo ay may nobena at pagdarasal na nakalaan para sa kanya hanggang sa huling mga araw ng Mayo, kung saan ginaganap ang Santacruzan.

Ang mapipili na magandang binibini ay ang tatanghaling Reina Elena – base sa ina ni Constantine the Great na si Queen Helena na syang sinasabing nakatagpo ng krus kung saan naipako si Hesukristo. Kasama sa parada ng Santacruzan ang 42 pa na ibang mga babae na nagsasagisag ng mga reyna sa bibliya at ibang mga representasyon ng Birheng Maria. 

Leave a Reply

Author

Trending