Poetry corner (Dec 2022 / Jan 2023)

Poems from across the migrant community

Mga nakabalot na regalo sa ilalim ng punong Pasko na may mga dekorasyon at ilaw.

Sa kapanganakan

ng ating mahal na Poon

tayo’y pinagtitipon-itipon

upang magmahalan.

Sa pamamagitan

ng mga awiting handog

bawat isa’y nalulugod

tuwang ‘di mapaparisan.

Tugtugan sa plasa at daan

kalimbang ng kampana

sa mga simbahan

kasiyahan ang nadarama.

Ngunit ang tunay na diwa

ng pasko na ating nakikita

ay pagpapatawad at pagkilala

ng mga kakulangan ng bawat isa

Kaya’t pasko’y salubungin ng may ngiti

magsaya at huwag mamimighati

Sa yumi’t lambing

ng hanging dumadampi

aking nasasalamin

ang paskong humahabi

oo! ng maningning

at makulay na sandali

Ang parol ng pag-asa

nakasabit sa bintana

ng mga pusong umaasa

na sana’y makakasama

ang nawalay na pamilya

ilang taon na at dekada.

Piping humihiling

sa panginoong mahabagin

na sana’y dinggin

ang pusong dumadaing

na sa paskong darating

Sa pag-ibig ay pagpalain

Muli akong sasabit

ng parol sa’king gunita

Sa paskong sasapit

ako’y manghaharana

Babatiin ko kayong lahat

at tutulaan ng magalak

nawa’y inyong matatanggap

regalo kong mahalakhak

Sapagkat ako’y tuwa-tuwa

na si Jesus ay ipinanganak

sa sabsaban ng mga dukha

siya’y iniluwal ng maluwag

Sana’y ating madama

ang tunay na diwa ng pasko

Sa puso ng bawat isa

Pag-ibig ang magbubuo

Aawit tayo’t tutula, Pasko na!

Kaibigan,kauniberso’t kapamilya

Yakapin natin ang bawat isa

Sa isip, sa puso, sa salita, at gawa!

Close-up of a Christmas tree branch adorned with golden ornaments and warm white lights.

Sa paskong darating, ako’y wala sa inyong piling.

Huwag malungkot, huwag magdamdam, sapagkat regalong inyong hiling,

pagsapit ng pasko, ito ay darating.

Kalakip ang pag-asa’t mga panalangin,

Sa susunod na pasko, ako ay nandiyan din!

Leave a Reply

Trending