10 pagkaing makikita sa noche buena

Ang aming mahalagang listahan ng mga paborito sa maligayang Pilipino!

Ang tradisyonal na paggawa ng lechon ay tinutuhog ang baboy ng malaking kawayan at dahan-dahang inikot sa ibabaw ng mainit na uling hanggang magging dark brown at malutong yung balat. May iba’t ibang paraan para sa timpla ng lechon; nilalamanan ang katawan ng bawang, sili, pamienta, tanglad, piña o dahon ng sibuyas. Minsan sa ibang mga probinsya, pinapahiran pa ng Sprite o cola o yung marinade habang niluluto ang lechon para lalo pang sumarap.

Ipikit ang iyong mga mata at imagine nyo ito: malutong ng balat, sobrang juicy na laman, at tamis anghang ng sarsa, tapos parisan ng mainit na kanin. Daming bumabalik na memories diba? Halos lahat ng malaking handaan nating mga Pilipino ay laging starring ang lechon. Ito ang centrepiece sa lamesa na pinapalibutan ng iba pang mga masasarap na ulam at panghimagas. 

Plate of bibingka topped with cheese, placed on a banana leaf, with a fork and a drink in the background.
Bibingka

Gawa sa giniling na bigas, niyog, asukal at itlog na pula, ang bibingka ay kakanin na mas popular tuwing Pasko. Ito ay mabibili sa labas ng simbahan lalo na sa madaling araw ng Simbang Gabi, siyam na araw bago ang Pasko. Malimit na pinaparesan ng tsokolate, kape o salabat.

Sliced embutido served on a brown plate with lettuce, ketchup, and a small piece of the whole dish beside it.

Itong Filipino version ng meatloaf, ay gawa sa giniling na baboy, Vienna sausage, itlog at iba pang mga sangkap. Maaari itong iserve ng mainit o malamig at pinaparesan ito ng kanin at sawsawan ang banana ketchup. Kung hindi maubos sa araw ng handaan, maari itong itabi sa freezer ng hanggang isang buwan, basta maganda ang pagkabalot sa aluminum foil.

Plate of Filipino-style spaghetti topped with cheese and sliced hot dogs, served with a rich red sauce.

Ito ay kakaiba sa ibang spaghetti sa ibang bansa. Ang sahug ng ating spaghetti ay hotdog at giniling na baka. Ang tamis ay nanggagaling sa banana ketchup at konting dagdag ng brown sugar, tapos may toppings na shredded cheese.

Sobrang kilala ang Pinoy na spaghetti, maari na rin itong mabili sa Jollibee. Kuhang kuha ang panlasa at kung tayo ay nahohomesick, magandang pantawid ng lumbay.\

Puto bumbong served on a banana leaf, featuring purple rice cake rolls topped with grated coconut and brown sugar.

Ang pangalan ng kakanin na ito ay galing sa bumbong ng kawayan na ginagamit bilang lutuan. Ang puto bumbong ay gawa sa itim na malagkit na bigas na iniisteam sa loob ng bumbong. Kapag luto na, nilalagay ito sa dahon ng saging at nilalagyan ng margarine, muscovado sugar, kinayod na niyog at minsan shredded cheese.

Kadalasan mabibili ang puto bumbong tuwing Pasko pero ngayong panahon, maaaring na itong mabili sa mga street vendor.

Malapot at caramelized na leche flan na may isang kutsarang bahagi na nakukuha mula dito, nagpapakita ng makintab na ibabaw at malambot na tekstura.

Ang leche flan ay isa sa pinakasikat na dessert ng mga Pinoy. Gawa sa itlog, condensada at evap na gatas at may masarap na caramel toppings and konting caramel sauce. Napakacreamy at malambot ang leche flan at lasang lasa ang magandang timpla ng itlog at gatas. May ibang recipe na gumagamit ng lemon zest para lumabas ang sarap ng tamis ng flan.

Bowl of buko salad containing coconut, fruits, and creamy milk dressing, placed on a red decorative surface.

Ang buko salad ay isa sa mga paboritong panhimagas ng mga Filipino. Gawa sa kinayod na buko, at hinahaluan ng sago, kaong, nata de coco, delata ng fruit cocktail, pinya, condensed milk at cream.

Masarap ang buko salad kapag iserve ng malamig na malamig lalo na kung mainit ang araw sa labas.

Inasal na manok na sinerved kasama ang kanin, sawsawan, at laman ng calamansi.

Pinakaimportante sa inasal na manok ay ang timpla ng marinade at sawsawan. Ang bawat pamilya ay may kanya kanyang timpla ng marinate pero ang basic ingredients ay toyo, suka, sili at atsuete. Paborito din ito na pulutan dahil sa madali itong mabili sa mga street vendor o sa mga restaurant na nagseserve ng inasal.

Basahin ang aming kwento sa isyung ito tungkol sa Chi-Khan Inasal dito sa Hong Kong at kung paano nila naperpekto ang timpla ng kanilang inasal.

A colorful bowl of Pancit, a Filipino noodle dish, featuring shrimp, assorted vegetables like bell peppers and green onions, and garnished with vibrant colors, served on a decorative woven mat.

Kung anong dami ng mga probinsya, ganon din ang dami ng kanya kanyang version ng pancit. Ilan sa popular na pancit sa atin: pancit Malabon, pancit palabok, pancit Cabagan, pancit habhab at marami pang iba. 

Hindi talaga ito mawawala sa lahat ng ating mga handaan dahil sinasabi nating pampahaba ng buhay ang pancit at talagang nagrerepresenta ito ng pagkaing Pilipino.

Inihaw na hamon na may ginawang mga hiwa at nakalatag sa isang puting platter na may mga gulay at berry garnishes.

Ang hamon ay Pinoy-style na Christmas ham. Tradisyonal na sineserve it tuwing Noche Buena. Kailangan ito ng matagalang marinade (mga 12-24 hours) sa pineapple juice at toyo, para lumambot ang karne at talagang tumatak ang lasa.

Ang glaze ang nakakaengganyong tignan sa hamon, kaya dapat siguraduhin na maigi ang pagkacaramelise ng pineapple juice at toyo. Sa ngayong panahon, mabibili na ang ready-made na hamon para sa convenient na paghanda nito.

Leave a Reply

Author

Trending

Discover more from Pangyao

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue reading