Poetry corner (Oct/Nov 2022)

Winners of our poetry writing competition in collaboration with Horizons International

Logo of 'Horizons 2020' featuring a wreath design in yellow with the text in black.
Isang luntiang parang na may mga bulaklak at malabo o blurred na background, nagbibigay ng pakiramdam ng kapayapaan at kasiyahan.
summer background

Sa bandang kanluran ay mababanaag

Gintong liwayway mo’y syang namamayagpag.

Kaygandang pagmasdan sa mata’y naglayag

Sa tubig makita dakila mong sinag…

Ginawa ng Diyos sati’y inihandog

Sa bandang kanluran katabi ng timog.

Sa iyong paglubog iniwang alindog

Sa puso’y pag-asa ang sya mong sinabog…

Ang tangi kong hiling, sya ay makatagpo

Sayong paglubog may makasamang tao.

Hatid mo ay galak, dito sa’king puso

Syang minsa’y nawasak, at iyong binuo..

Ako’y maghihintay sa tamang panahon

Hahayaan muna’ng puso’y maglimayon.

Kong saan man dalhin aking destinasyon

Ikaw ay gagawin ko na inspirasyon..

Aking mga mata’y puno ng pag asa

Damdaming may lungkot ‘di mo makikita

Ang araw sa hapon ay syang halimbawa

Sa kanyang pagtago’y may bagong umaga.

Sa kanyang paglubog, akin syang pagmasdan

Sa kanyang paghimlay, sa bandang kanluran

Papalit ang dilim,sa kapaligiranB

Bukas ng umaga, naman aabangan.

Isang babae na may mahabang buhok ang nakatayo sa isang nayon, hawak ang maraming makulay na lobo habang itinaas ang kaniyang mga kamay sa ilalim ng maliwanag na araw.

Pagreretiro ba’y kailangan?

ito’y bigyang pansin, kaibigan

Buhay sa hinaharap pa’no  ba?

Ito ba’y napaglaanan mo na.

Buhay na nais sa’king pagtanda

Unti-unti kong pinaglaanan

Bahay, ipon at  munting negosyo

Bagay na pinagsisikapan ko.

Pangarap na barya ang pundasyon

Sabay ng panalangin sa Poon

Determinasyon at adhikain

Tuunan upang ito’y abutin

Bawat sentimo na inilaan

Tiyaking maganda ang kalagyan

Pahalagaha’t pakaingatan

Pagyamanin ng sipag at dasal.

Munting negosyo’y nais simulan

Sa harap ng dampa’y ilalagay

Samo’t-saring kailangan ng tao

Pangunahing makikita rito.

Kunting ipon sa baul isubi

Sa hagibis ito’y ilalabi

Dukutin kung kinakailangan

Sa panahong walang mapagkunan

Kaya’t payo ko ‘king kaibigan

Pagreretiro ay paghandaan

Pagsikapan kahit dahan-dahan

Upang sa huli’y hindi luhaan.

Sa grasya’y huwag ubos-biyaya

Hindi habang panahon ‘kaw’y bata

Paglaanan ang ating pagtanda

Nang sa huli’y ‘di tayo kawawa.

A close-up view of water ripples on a pink surface, creating a soft and calming atmosphere.

Too many questions left unasked 

Too many emotions I suppressed and masked

Too many decisions I wish I had done right

Too many frustrations that keep me awake at night.

With all the chaos that’s happening inside me

The emotional tailspin I struggle with every day

I simply go back to the reason why I am here

Why I am fighting and surviving my silent battles.

The two tiny, delicate souls that believe in me

The people who are fervently praying that I’ll find my way

And all the dreams that I still have to pursue

They all give me the reason to push through.

We all go through something every day

And we all have our own demons to slay

Some put it into words, some suffer in silence

Some choose an easy but painful way out.

Our minds can be our very own prison

To our souls, it can be poison.

It can be our worst enemy

But we can always choose to break free.

If today you feel like you are in darkness

When you succumb to sadness

When everything doesn’t seem right

Darling, I feel you, you are not alone. 

Pause, rest, and reflect if you need to

A shoulder to cry on would be nice too

Seek help when things get so heavy to carry 

You are not alone and you have nothing to worry.

There’s beauty in being alive

Hang in there, wait for the breakthrough

It is never easy, I know

But with faith and prayers, you’ll make it through.

Please remember that our emotions are valid

That it’s okay to cry and feel the pain

But despite the bruised spirit, smudged make-up, and bloodshot eyes,

Always choose to pick yourself up and keep going.

A group of people celebrating a birthday in a home kitchen, with a birthday cake and dishes on the table.
Photo provided by Horizons International

Mga taong kasangga natin habang panahon

Saan man tayo ilipad ng pagkakataon

Pamilyang handang tumulong at tumugon

Sa oras ng kagipitan at masamang sitwasyon

May iba’t-ibang klase’t uri ng pamilya

Pamilyang sa dugo ay magkapareha

Mayron mang hindi sa dugo magkapamilya

Ngunit ang puso’t isip nama’y nagkakaisa

Tunay na pamilya ay kahanga-hanga

Sa hirap at problema’y tulong-tulong sila

Laging andiyan,tuwina’y nakasuporta

Kay sarap mabuhay ang kasama sila.

Find out more:

Leave a Reply

Trending