Determination: a blog writing competition

The winners of our blog writing competition in collaboration with Migrant Writers of Hong Kong

Logo for Migrant Writers of Hong Kong featuring an open book with interconnected nodes above it, accompanied by text and a colorful background.
A woman sitting among large, colorful artificial flowers in a vibrant garden setting.

Seven years ago, when I was twenty-five years old, I arrived here in Hong Kong to help my mother. No experience, still young and scared, but very determined to reach my goals.

My life back then was a mess; my father had an affair and my son’s father was also unfaithful. It crushed me.

My mother decided to go back to the Philippines when my child’s father eloped with another woman. That was when I became a single mother and a breadwinner.

Despite what happened, it eases me to know that my mother can take care of my son, especially while I’m away. In addition to everything else that was going on, I also had some bad employers to deal with at that time, but luckily, my current employers are the best!  Disregarding all the hurt that I was feeling, I know my family is my strength and my child is my anchor.

My life was tough, very tough. I remember crying most of the night during my seven years as a domestic helper, but because I really want to give the best life for my family and my son, I continue, always telling myself, “Jie, you can and you will achieve your goals, because God sees all your sacrifices and hard work.” 

I realised I’ve learned a lot from those experiences, and they’ve equipped me with skills that I can use in the future. Since that time, I haven’t stopped growing myself. I enrolled here in Hong Kong, took a short course, and also put up a business back in the Philippines. Luckily, I also met the love of life, my person, the one I will spend my life with in the future. 

Today marks my seventh year as a domestic helper. Seven years of blood and sweat. Finally, I am going home. I’m so excited to see my family and spend more time with my son.  After all, there is a happy ending in every season, and with that I am very grateful that the Lord has guided me in my journey and kept me safe. Now, my life is getting better; it’s not perfect, but so much better. 

To everyone who is having a hard time and who thinks life is tough, don’t lose hope; it’s just part of the process of achieving more and becoming better. As they say, “Diamonds are made under pressure, and so are we. Life challenges will create YOU.” With hard work, will, and perseverance, everything is possible.  Looking at the past, I can say it was indeed a great battle, and I know there is so much more.

But always remember, “Kakapoy karun, Ayahay later”. Be determined! 

A close-up of a butterfly with iridescent wings against a blurred teal background.

Mahirap ang landasin ng ating buhay. Maraming lubak, tinik, at mga harang na para bang naglalakad tayo sa hindi kilalang kagubatan sa kalaliman ng gabi— habang natatakot tayo sa mga ahas na maaaring tumuklaw. Dagdag mo pa ang pagiging misteryoso nito, lalo’t mahirap hulaan kung saan ang hangganan, o kung mararating pa ba ang dulo o tuluyan nang mahimlay bago pa man sumikat ang araw kinaumagahan.

Minsan o madalas tuwing gabi, umaagos ang mga luha sa lagusan nitong hindi nakakakita ng bukas. Napapaisip ako kung paano ko ba magagawa ang mga bagay na ninanais ko gayong may mga bagay na sadiyang humahadlang kagaya ng isang kondisyon o kapansanan. Libre ang mangarap, at hindi imposibleng matupad. Subalit ibang usapan na kapag hindi pa talaga umaayon sa iyo ang tadhana. ’Yung nanaisin mong maging artista, subalit nahihirapan kang tumingin sa kamera— o ’di kaya’y nasisilaw sa mga lenteng kailangan sa paggawa ng mga eksena. 

Madaling sabihing “kung talagang gusto’y may paraan, ngunit kung ayaw ay maraming dahilan”; subalit paano kung ang ninanais mo’y sadyang tumutugma sa iyong kakulangan?

Mahirap. Oo, mahirap. Pero kailangan kong lumaban. Kailangan kong labanan. Kailangan kong magtagumpay!

Mahigit dalawampung taon na akong alipin ng katarata. Kalaban ang sinag ng araw. Nakukutya. Pinanghihinaan. Subalit patuloy pa ring lumalaban. 

Maraming pangarap ang hindi ko kaagad naisakatuparan o nagawa. Subalit, punong-puno ako ng paniniwala sa aking sarili. Na makakaya ko rin ang lahat. Salamat sa Diyos at ginawa niya akong isang taong “optimistic”. 

Naniniwala pa rin ako sa tamang proseso. Naniniwala akong pinahintulutan ng Diyos na mangyari ito sa buhay ko dahil alam niyang pagtitibayin lalo ako nito— at oo, matibay ako. 

Darating din ang araw na makakalaya ako sa kondisyong ito. At ’pag nangyari ’yun; mas marami na akong magagawang makabuluhang bagay na makakatulong nang lubos sa mga taong makakasalubong nitong rutang tinatahak. 

Tandaan ang siklo o buhay ng isang paruparo. Hindi siya magiging mabilis at makalilipad kung hindi napagdaanan ang mabagal niyang pag-usad— o kung hindi niya pinagdaanan ang lahat ng proseso. 

Hindi ko nakikita ang magiging takbo ng bukas. Subalit alam kong nasa oras ako ng aking pagpapakatatag. Naniniwala ako sa konsepto paruparo. Darating din ang oras na darating ako sa ganoong punto.

Napadako ang mga mata ko sa lumang litrato.

Nagbalik ang nakaraan sa alaala ko.

Mga panahon noong nasa eskwela pa ako.

Nagising ang isang pangarap na matagal din nahimlay sa puso ko.

Sekondarya ako noon nang mapukaw ang interes ko.

Sa paggawa ng tula at maiikling kwento.

Naalala ko pa naging scriptwriter ako at direktor ng El Filibusterismo.

Akala ko nalimutan ko na ang pangarap kong ito.

Dahil salat sa kaalaman pati na sa mga sertipiko.

Dahil sa kahirapan ng buhay noon.

Hindi na ako nabigyan ng pagkakataon.

Mapabilang man lang sa mga kaklase ko na nasa kolehiyo noong mga panahong iyon.

Halos karamihan sa kanila ngayon, magaganda ang mga propesyon.

Kaya minsan naiisip ko, ano kaya ang buhay ko ngayon kung nabigyan ako ng pagkakataon?

Ano kaya ang magiging ako sa ngayon?

Pero syempre habang tumatanda ka

at mayroon ka ng sariling pamilya.

Pananaw mo sa buhay ay nag-iiba.

Nagkakaroon ka ng realisasyon sa maraming bagay kapagdaka.

Binibigyan mo na ng katwiran ang bawat sitwasyon.

At mga pangyayari na hindi umaayon sa panahon.

Hindi pala basehan ang taas ng pinag-aralan.

Hindi pala basehan ang taas ng grado mo sa eskwelahan.

Hindi pala kakulangan kung salat sa kaalaman.

Hindi pala basehan kung ikaw ay may pinag aralan.

Hindi pala basehan ang diploma na iyong pinanghahawakan.

Hindi din pala basehan kung anuman ang iyong katayuan.

Kapag pala may pangarap ka.

Kahit sa palagay mo ay huli na.

Kahit na lumipas pa ang ilang dekada.

Subukan mong abutin at sikapin.

Malay mo pinahihinog ka lang pala ng Panginoon.

Upang handa ka na kapag dumating ang iyong pagkakataon.

Katulad ko…

Ang munti kong pangarap noon.

Sisikapin ko na unti-unti kong makamit sa ngayon.

Nalipasan man ako ng mahabang panahon.

Ayokong sayangin ang ibinigay sa akin na pagkakataon.

Kaakibat ng aking determinasyon.

Sampu ng aking mga inspirasyon.

At sa patnubay ng ating Panginoon.

Makipot man ang daan paroon.

Patungo sa pangarap na inaasam ko noon.

Hindi man maabot ang sukdulan.

Sisikapin ko, marating man lang ang kalahatian.

Mula sa panulat ni: black angel

Maraming salamat po.

Leave a Reply

Trending

Discover more from Pangyao

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue reading