Paruparong May Mahika

Sa gabing ako’y nalulumbay,
Dinadalaw at lumilipad ng walang humpay.
Animo’y nagsasabing ako’y huwag sumuko.
Buhay na taglay ay may dalang milagro.

Sa araw na ako’y masaya,
Sumisilip sa may bintana.
Nakahinto at nagmamasid lamang,
Nakikiramdam sa sayang lumulutang.

Paruparong mahiwaga, sa akin ay gumagabay.
Patuloy na lumalaban sa hamon ng buhay.
Isa siyang halimbawang may taglay na tiyaga.
Sa bandang huli, kagandahan ay napala.

Aking gabay, huwag mo ‘kong iiwan,
Lalo na sa mga panahong nagugulumihanan.
Ang pagtitig sa ‘yo’y kaginhawaan,
Pag-asa ng pusong naguguluhan.

Paruparong may mahika, isaboy ang katahimikan.

(anna09) Guhit ni Bambee Pacnis Abadilla

Leave a Reply

Trending