Nais kong mag-iwan ng munting aral,
Maging inspirasyon at kapulutan ng aral.
Sa buhay natin, kailangan ang sipag at tiyaga.
Huwag umasa sa iba at palaging gumawa.
Magsulat at huwag susuko.
Husgahan man ay huwag patatalo.
Sa akin ka tumingin at maniwala:
Hindi ako tumigil, ngayon ay may gantimpala.
Isang daang tula at higit pa,
Aking pinag-isipan at nilikha.
Lahat ay aking sinubukan,
Wala akong pagsubok na inaatrasan.
Inaral at isipan ay nilawakan.
Huwag titigil sa pagsusulat.
Tulungan ang sarili, mga mata ay imulat.
Linangin lalo ang angking galing,
Samahan ng sipag at tiyaga, palaging baunin.
Huwag mahihiya, magpatuloy sa nais.
Masarap makita ang bunga ng ‘yong pawis.
Ikaw lamang ang makakapagpasya
At nakakaalam ng ‘yong mga ikakasaya.
Ako ang gawin mong buhay na halimbawa.
Panulat ni: Annaliza V. Aquino (anna09) 12-07-2020 Horizons Senior Poet








Leave a Reply