Sa Hongkong ako ay napadpad.
Unang amo, ako ay hindi pinalad.
Ganyan talaga ang buhay,
Pero hindi ako sumuko, nagpatuloy sa paglalakbay.
Nakahanap ng pangalawang pamilya.
Halos walong taon na nanilbihan sa kanila.
Isang batang pinalaki ng may disiplina.
Masaya akong gampanan ang tungkuliy kinalinga.
Maraming pagsubok aming pinagdaanan.
Away-bati gaya ng maraming tahanan.
Ngunit aking pinagtiisan
Para lamang ang mga anak mabigyan ng magandang kinabukasan.
Ang oras ay itinakda ng aking paglisan.
Disyembre ng taong kasalukuyan.
Panibagong hamon ang aking hahanapin,
Pero kasama ko kayong lahat saan man ako makarating.
Mabigo man ay muling babangon.
Patuloy na buhay ay iaahon.
Ganyan ang hiwaga na ating sinusuong.
Hayaan ang pagkadapa, mahalaga ay bumangon.
Laban Lang, Kaya Yan!
Moral lesson: Huwag na huwag susuko sa buhay. Winners never quit.
Panulat ni: Annaliza V. Aquino 12-05-2020 Horizons Biography Princess








Leave a Reply