Tatay Pianong Columbino

Sa nag-iisang tatay ng aming tahanan,
Dalangin namin sa Amang Makapangyarihan
Na sana kayo po ay palaging gabayan
Araw-araw na magkaroon ng malakas na pangangatawan.

Salamat po sa inyong gabay,
Mga aral na itinuro sa aming buhay.
Sa ugaling walang makakapantay,
Napakagaling makisama at matiising tunay.

Mapagpakumbaba at may takot sa Diyos,
Mga pamanang ikinalulugod naming lubos.
Salamat po sa pagmamahal na tunay,
May pusong gintuan na aming gabay sa paglalakbay sa buhay.

Salamat po, aming tatay.
Ngayong kaarawan mo,
Sana ay masaya kang totoo.
Pagpalain at ipagkaloob ang mga kahilingan niyo,
At marami pa pong pagdiriwang ang darating at sana po ay kasama na kayo.

Maligayang kaarawan, aming tatay.
Mula sa aming mga anak niyong mahal kayong tunay.
Panalangin ang tangi naming maibibigay,
At pasasalamat po sa pagbibigay niyo sa amin ng buhay.

Happy, happy, happy birthday po, tatay!

Panulat ni: Annaliza V. Aquino (anna09) 10-29-2020 Horizons Senior Poet

Leave a Reply

Trending