Ang pagmamahal na ibinigay mo ay kalahati lang.
Tama naman dahil pinunan ko ang ano mang pagkukulang.
Pero bakit ikaw pa din ay lumisan?
Nasaan ka ngayon, ako’y iniwang luhaan?
Kalahating basong tubig ang aking ibinigay,
Simbolo na ikaw lamang ang tanging makapupuno sa buhay.
Ginuhit lamang sa lapis, bigyan mo naman ng kulay.
Ikaw ang magsisilbing pambura sa ano mang lumbay ko sa buhay.
Painom ng tubig kapag ako ay nauuhaw.
Pero hinding-hindi ako hihingi ng pagmamahal sa taong mistulang batingaw.
Gagalaw at tutunog lang kapag siya na ay binati ng aw.
Dapat ay may pagkukusa sa paggalaw.
Huwag mapaghanap sa kaya kong ibigay.
Dapat punuan mo at tanggapin ang aking maiaalay.
Nagtira din naman ako para sa sarili kong buhay.
Para mawala ka man ay kaya ko pang mabuhay.
KALAHATI lamang ang aking maibibigay.
Panulat ni: Annaliza V. Aquino (anna09) 11-04-2020 Horizons Senior Poet
3D sketch: Maureen Villanueva








Leave a Reply