Nang makilala ko siya noon, akala ko ay isang bata.
Nakakatuwa kasi ang pangalan niyang Tata.
Hindi naglaon ay nakilala ko siya nang tunay,
Mga adhikain niya at mga pangarap sa buhay.
Isa siyang inang dapat pamarisan.
Masiyahing tao, positibo ang pananaw at isipan.
Isang kaibigang maaasahan, lalo na kung pagandahan ang usapan.
Aba! Listo siya, may dala-dalang bag at agad kang kikilayan!
Ang aming CHARRY ROSE ay tuluyan nang nagniningning.
Isang bituing nalinang na at gumaling ng gumaling.
Ngayon ay nakakahanga na ang kaniyang mga sulatin.
Nakabibighani talaga ang angkin niyang sining.
Nagpapasalamat ako sa Poong Maykapal.
Ikaw ay nakilala ko, talaga namang may magandang asal.
Palaging nakangiti at biglaan na lang sumasayaw sa isang tabi.
Huwag kang mabibigla, talentado talaga siyang babae.
Oh aking Tata, patuloy na magniningning ang iyong tala.
Sa Amang nasa itaas, ikaw ay manalig at magtiwala.
Hindi ka niya pababayaan sa tuwina.
Isasama kita sa aking panalangin at buhay mo sana ay palaging maginhawa.
Alalahanin mong palagi kang mayro’ng isang ate Anna!
Panulat: Annaliza V. Aquino (anna09) Horizons Senior poet 10-23-2020








Leave a Reply