Napakaswerte kong ina, napakarami kong nanay
Na gumagabay sa akin sa pangaraw-araw na buhay,
Para mas marami akong matutunang diskarte at pamantayan sa aking paglalakbay.
Una na diyan ang aking inang nagbigay sa akin ng buhay.
Tunay na pagmamahal ng isang ina, kanyang pinatunayan.
Talaga namang sakripisyo niya’y walang katumbas.
Pagiging totoong ina niya’y walang kupas.
Pangalawa ay si Mami Zeny, na siyang nagsilbing Mami na puro papuri.
Walang pagsidlan ang kalungkutan sa kaniya, sapagkat katangi-tangi siya.
Kung nais mong sumaya, i-chat mo lang siya
At puro salitang nakakamangha ang maririnig mo sa kanya.
Pangatlo ang aking Mami Ody, na sa literatura kami ay pinagtagpo,
Pinagsama at pinagtibay ng layuning totoo.
Ginagabayan niya ako at hinuhubog lalo ang aking nakatagong talento,
Tinutulungang maipagsigawan ito sa buong mundo.
Ngayon naidagdag ang aking Mami Sol, ang ganda.
Talaga namang mapagpakumbaba at kahanga-hanga.
Kabaitang taglay ang maipapamana sa akin,
Tiyak na dadalhin ko hanggang sa pagtanda.
Ilan lamang sila sa aking mga ina.
Kaya maswerte ako, marami akong paghuhugutan ng kalinga.
Mga leksyon sa totoong buhay at mga halimbawang ikakatatag
Ng aking pagkatao at maibabahagi sa kapwa tao.
Salamat ng marami sa aking mga ina.
Mahal ko kayo at patuloy po akong magiging mabuting bata.








Leave a Reply