Araw ng Pagkilala

Ang araw na ito ay napaka-espesyal
Dahil sa araw na ito ay makikilala ko ng personal.
Makikita at makakamayan, bonus na kung siya ay aking makakasama sa isang kodakan,
Para may babauning ala-ala pag-uwi ng tahanan.

Excited ako mula pa kanina dahil makikilala ko ngayon ang namumuno ng ating embahada.
Ang Embahada ng Pilipinas, Consul General Raly L. Tejada ang pangalang kapita-pitagan.
Kagalang-galang at talaga namang dedikasyon sa kanyang tungkulin ang aking sa kaniya’y hinahangaan.

Narito po kami ngayon, mga taga Horizons, para mag-iwan po sa inyo ng simpleng mensahe.
Salamat po, mahal naming pinuno. Kayo po ay pinagmamalaki ng lahing Pilipino.
Hindi niyo po pinababayaan ang kapakanan ng ating mga kababayan,
Lalo na sa ganitong panahon na napakarami ang nangangailangan.

Mabuhay po kayo at patnubayan palagi ng Poong Maykapal.
Yan po ang dalanging aming iiwan para sa inyo po ay gumabay.
Ingatan niyo po ang inyong sarili at kalusugan,
Para marami pa po tayong kababayan ang inyong matulungan.

Mabuhay po kayo at salamat po sa serbisyong totoo, makatao, at maka-Diyos.
Isa pong karangalan ang makasama po kayo sa araw na ito.

Leave a Reply

Trending