Ang Bulkang Mayon

Perpektong trianggulo na ginawa ng Panginoon
Para ipakita sa atin ang hiwagang naroon
At kapangyarihang tanging Ama lamang ang mayroon.

Kay sarap pagmasdan, nakakaakit at ang sarap puntahan.
Tahimik ang kapaligiran, maaliwalas ang hangin at payapang papawirin.
Iyong madadatnan at ikaw talaga’y magiginhawaan.

Kamangha-mangha talaga ang mga natural na likha.
Kahit ang siyentipiko at siyensya ay hindi kaya.
Ganyan kahiwaga ang mga gawa ng Ama.
Kaya sana ay buksan ang mga mata at sa Kaniya’y magtiwala.

Mahalin natin at alagaan.
Ang mga pamana ng Ama sa atin ay pakaingatan.
Ipagbunyi at ipagmalaki ang bansang Pilipinas.
Dito napakaraming tagong yaman na biyaya ng nasa itaas.

Leave a Reply

Trending