Kapag dumating na ang araw na wala na ako,
Huwag kang magtaka.
Bagkus isipin mong tama ka,
Kaya ako ay nawala.
Kapag hindi na ako nagtanong kung nasaan ka,
Huwag kang mangamba.
Subalit isipin mong alam kong payapa ka at malayo sa disgrasya,
Dahil alam kong ang kasama mo’y ililigtas at iingatan ka.
Kapag lumapat na ang likod sa kama
At nasilayan ang sariling mag-isa,
Huwag kang magalala.
Bukas makalawa, may bagong umaga,
May bagong kasama,
May bagong bukas,
At ang buhay may bagong pag-asa.








Leave a Reply