Laswa

Eto pala ay salitang gamit ng mga kapatid nating Ilongga at Ilonggo,
Na ang pakahulugan ay halo-halong gulay na luto.
Akala ko iba ang pakahulugan nito.
Sa mga kapatid na Tagalog, alam nila ito.

Maigi na lang may bago akong natutunan,
Bukod sa pagluluto ng ibang paraan.
Ang salitang ito pala ay masustansya naman,
Lalo na kung sabay-sabay tayo sa kainan.

Balang araw sana ay matikman kita
Para masabi ko gaano kasarap ang laswa.
Dahil kung sa tingin lang ako’y natatakam na,
Paano pa kaya kung malalasahan ko pa?

Sa mga kapatid kong Ilongga,
Anyayahan niyo naman ako sa inyong kusina
Para matupad ang aking kahilingan:
Makain ang laswa sa inyong tahanan.

Leave a Reply

Trending