Ang Kaibigan kong Raketera

Yan ang bansag namin sa kanya, “babaeng raketera”,
Dahil talaga namang sa sipag at tiyaga siya ay sumosobra.
Kulang na lang maging isa siyang biritera.
Lahat ng paligsahan, malamang sasalihan niya.

Lahat ng kailangan mo, sabihin mo lang.
Agad sasagot yan, “pm sent” at mayroon siya niyan.
Ma-pa arkitekto, enhinyero, tubero, pati kusinero,
Lahat ng hanap mo, huwag lang ng bolero.

“Kuracha” ang babaeng walang pahinga.
Ay, hindi pala. Maricel ang pangalan niya.
Legpit ang tawag namin sa kaniya.
Sa sobrang kasipagan sa buhay, pati apelyido niya sinasabuhay na.

Sa biyayang umaapaw, puso niya ay palaging humihiyaw
Sa pagmamahal ng kaniyang mga anak na siyang dahilan ng kaniyang paghataw.
Masusuklian din nila lahat ng sakripisyo niya balang araw,
Dahil yan ang regalo ng Diyos sa kanyang laging nakatanaw.

Huwag mawalan ng pag-asa, aking kaibigang maganda.
Balang araw, sa lahat ng raket mo, buhay mo ay sasagana.
Andito lang kami, palaging nakasuporta.
Mahal ka namin ng bonggang-bongga.

Leave a Reply

Trending