Mahiwagang Bayong

Marahil ay nagtataka ka kung bakit siya tinawag na bayong na mahiwaga.
Dahil ito ay gawa ng may pagmamahal at alaga.
Pinagpuyatan, pinintahan at ginawang napakahalaga
Para sa araw-araw mo’y madala.

Pahalagahan mo ang bayong na ito
Dahil ito’y bahagi ng kulturang Pilipino.
Hinimay, binuo at dinesenyuhan ng husto,
Angkop at bagay sa makabagong mundo.

Ang bayong ay kasama na sa kasaysayan natin,
Pero ito ay mahiwaga sapagkat ito’y nananalamin
Ng kulturang mayaman na pinagtibay pa natin.
Nilinang at pinaganda sa husay ng ating angking galing.

Mabuhay ang bawat Pilipino
Na nagmamahal sa sining at kultura nito.
Bahagi kayo ng kasaysayan ng bayan.
Ipagmalaki mo ito at palaging ingatan.

Leave a Reply

Trending