Ang Kaibigan kong De Kampanilya

Sa talino at tapang, hindi mo matatawaran.
Kapag ikaw ay nagkasala sa batas, tiyak ika’y walang kapatawaran.
Siya ang kaibigan kong “attorney” kung aming turingan,
Pero “Mishiele Atangan” talaga ang kaniyang pangalan.

Kaibigan ko siya, dekada na ang nakalipas,
Pero ang kaniyang ganda, wala pa ding kupas.
Dumagdag pa ang kaniyang tayong matikas,
Kapag siya ay nagtanong, tiyak wala ka nang takas.

Ang mga katulad niya ay ingatan nating tunay,
Sapagkat minsan ka lang makakahanap ng kaibigang walang kapantay
At maasahan pang habang buhay.
Sana pwedeng libre ang serbisyo kung kapitbahay.

Salamat sa’yo, kaibigang de kampanilya.
Dahil sa’yo, kampante kaming talaga
Na may magtatanggol sa amin para makalaya
Sa tanikalang kami din ang gagawa.

Leave a Reply

Trending