Gaya ng bagong usbong na bulaklak,
Ang talento ko’y unti-unti ding namumukadkad.
Sa tamang dilig at alaga,
Sa tunay na pag-ibig at pagtitiyaga,
Ako’y yayabong din at magpapakita ng ganda gaya nitong bulaklak na napakatalinhaga.
Tayong lahat ay nahihiya at nagdadalawang-isip
Na magpakita ng tunay na galing at magagandang obra, hindi natin maipasilip.
Pero dahil sa pagkatok ng ating Ina sa ating mga puso,
Tayo ay natutong lumabas at maglinang ng angking galing at talento.
Gaya ng bulaklak sa larawang ito,
Mula pagyabong hanggang pagkalanta, tayo ay nakaalalay dito.
Araw-araw inaalagaan, binibigyang oras at kahalagahan.
Sa lahat ng ito, susi ng tamang paggabay ang kinakailangan.
Mabuhay tayong lahat, simbolo tayo ng dakilang Lumikha.
Ihalintulad man tayo sa lahat ng nilikha Niya,
Lahat tayo ay nagsisimula sa pamumukadkad at magtatapos sa takdang oras.
Gawin natin ang kaiga-igaya at magpakabuti bago pa natin marating ang ating wakas.








Leave a Reply