Iisang Wika: Yaman ng Bansa

Pilipinas, aking mahal,
At sa lahat ng namumunong ating inihalal,
Mabuhay kayong lahat sa inyong sakripisyo at pagmamahal
Para sa bayang maunlad at marangal.

Panahon pa lang ng ating mga ninuno,
Pinamanahan na tayo ng napakaraming dialekto.
Pero dahil sa ating pagkakaisa,
Tayo ngayon ay may iisang wika.

“Filipino” kung tawagin, pambansang salita natin.
Lahat ay nagkakaunawaan at nagkakaintindihan
Para sa iisang layunin:
Ang pagbuklurin ang bawat Pilipino para sa ikakaunlad ng bayan natin.

Oh bayang sinilangan, mabuhay ka!
Sa iisang wika, kami ay pinagpala.
Sama-samang aabutin ang kaunlaran natin
Para sa iisang bayan, iisang adhikain, kaginhawaan ng mga kababayan natin.

Leave a Reply

Trending