Ako ay namangha sa aking mga nabasa.
Akala ko noong una, ang kuwentong buhay ko’y kakaiba.
Malungkot at puno ng problema kumpara sa iba.
Patuloy na umaasa, makakamtan ang bagong pag-asa.
Lahat ng tao magkakaiba ang kuwento.
Maaring ako’y malungkot, sila nama’y masaya at kuntento.
Depende na lang kung paano ayusin ito
Ang problema na mayroon sila sa mundo.
Ating alalahanin, anumang pagsubok sa ating buhay,
Ibinigay ito ng Diyos para tayo’y mas tumibay.
Lumaban sa kalungkutan at hirap sa buhay,
Makakatam din natin ang tunay na tagumpay.
Ako’y napapaisip, isantabi ang mga problema.
Bagong buhay siguro’y dapat harapin na.
Kalimutan ang poot, harapin ang bagong umaga.
Lumapit sa Panginoon, ang iyong daan ay itatama.
Kumapit ka lang sa mahal na Ama at magtiwala.
Iyong mga ninanais makakamtan ng walang labis.
Ikaw ay bumalik at muling manalig ng buong tamis.
Makikita mo, pakiramdam at buhay ay gagaan.
Tayo’y magtiwala, ang Diyos ituturo ang daan
Para tayo’y magkaroon ng buhay na walang hanggan.
July 29, 2020 Lifediary511








Leave a Reply