Ako ay gawa sa malagkit,
Para ang inyong pamilya’y lalong magkadikit-dikit.
Ito ay paniniwala kaya ako ay hinahanda nila
Tuwing bagong taon hanggang sa naging pang-araw-araw na meryenda.
Haluan ng niyog na bagong biyak
At kinadkad ng inyong kabiyak.
Lagyan ng kaunting asukal pampatamis,
Para sa pagsasamang napakatamis.
Ibalot mo ako sa dahon ng saging
Para mabango at ako’y iyong ihawin.
Kapag ang kulay ko’y naging parang uling,
Ay ahonin mo na ako at huwag mo akong sunugin.
Tikman mo ako habang mainit-init pa,
Para malasahan mo ang lambot at lagkit na aking hatid, sinta.
Ako ang tupig na napakasustansya,
Tiyak na mabubusog ka pa.
Mura pa at pasok na pasok sa budget mo.
Pwede mo din akong pangnegosyo.
Kikita ka na at busog ka pa.
Mabuhay ang mga taga-Pangasinan kung saan ako nagmula.
Yaman nila ang tupig at pinagmamalaki nila ako talaga.








Leave a Reply