Ako ay isang bata na mahilig magsulat.
Lahat ng bagay binibigyan ng kahalintulad.
Ako ay lumaki, punong-puno ng pangarap.
Nawa’y balang araw ito ay matupad.
Panahon ay nagdaan,
Maraming pagsubok pinagdaanan.
Mga bagay-bagay kayang labanan
Para makamtan ang inaasam-asam.
Ako’y nakipagsapalaran,
Lumayo sa bayang sinilangan.
Nakakilala ng mga bagong kaibigan,
Lahat naman ako’y iniwan.
Mga pagsubok pilit nilabanan.
Minsa’y nadapa, walang tulong na naasahan.
Hinanap ang sarili para matuto sa karanasan.
Nakakilalang muli ng mga bagong kaibigan.
Isang kaibigan nag-alay ng pintuan
Para ako’y mayroong pagkaabalahan.
Ako’y sumubok at aking nagustuhan.
Mga pangarap muling nabuksan.
Sa aking pagbangon, isang pintuan aking nasilayan.
Kusang bumukas para ako’y matulungan.
Tinatagong talento muling nabuksan.
Lapis at papel aking hinanap,
Magagamit muli sa aking hinaharap.
Ipagpapatuloy ang aking pagsusulat.
Mahahasa muli ang aking utak.
Isang Ina ang nag-alok,
Bagong tahanan na matitirhan.
Bagong pamilyang maaasahan
Para maipagpatuloy ang nasimulan.
Ako’y nagkaroon ng tibay ng loob.
Ako ay umaasa na ito ang kasagutan.
Matagal kong pinapangarap, sana’y aking makamtan.
Bagong pamilya nagbukas ng pintuan.
Sana’y hindi magsawa sa pagbibigay ng suporta.
Kami’y mga anak lalong umusbong.
Aming hinahangad buong pusong maabot.
July 16, 2020 Lifediary511








Leave a Reply