Ang Mananayaw

Kapag ika’y umindak na,
Talaga namang nakakapagbigay sigla
Sa mga kagaya kong pagod ang alintana at sakit ng katawan ang nadarama.
Ang bawat indayog mo at yugyog,
Talaga namang puso ko’y kumakabog at sumasabay pa sa tugtog.

Nadadala ako talaga sa hataw mong nakakatuwa, pati ako ay napapasunod na.
May rumba, chacha, at pakembot-kembot pa.
Ikaw ay kakanan at kakaliwa, minsan may pa-tumbling-tumbling pa.
Ang sayaw mong hatid ay nakakapagpaligaya.
Kapag pinapanood kita, parang ako na din ang humahataw sa gitna.

Salamat, mahal kong mananayaw, sa hatid mong talento para sa mundong ibabaw.
Naibabahagi mo ang sining gamit ang pagsasayaw.
Malikhaing galaw at makabagbag-damdaming hataw,
May dalang makabuluhang mensahe sa bawat pag-indak at paggalaw.

Maipagmamalaki talaga ang lahing Pilipino,
Lalo na ang mga talento sa “Horizons Page” na ito.
Napakaraming iba’t ibang talento na sana’y magamit para sa kabutihan ng mundo.
Ito’y bahagi ng kultura at kasaysayan ng bawat mamamayan nito.
Kaya’t sana’y ating alagaan at pag-ibayuhin pa lalo.

Mabuhay ang mga talentadong Pilipino sa buong mundo!

Leave a Reply

Trending