Rosas

By Melody Nadal Aka Ody Munson

Ang ganda talaga! Di ko mapigilang humanga.
Sa lahat ng bulaklak, ikaw ay kakaiba.
May hipnotismo kang dala.
Kapag pinagmasdan, ikaw ay kaiga-igaya.
Sana lahat ay matauhan.

Matinik ka man, ngunit maganda ang patutunguhan kapag tinik ay malagpasan.
Daan sa toktok ng rosas, bulaklak ng sanlibutan.
Hindi pagsasawaan ang iyong karikitan.

Ang buhay ay parang ganyan.
Ang matitinik na pagdadaanan ay may kadahilanan.
Matutong tanggapin ang katotohanan.
Ito ang daan na iyong pagtatagumpayan.
Sa dulo nito, naghihintay ang magandang kapalaran.

Magsikap at magtiis ka lamang.
Sapagkat ang bagay na pinaghirapan ay hindi babalewalain; ito ay pahahalagahan.

Leave a Reply

Trending