By Melody Nadal Aka Ody Munson
Dahil sa makulit ako, ngayon klaro ka na sa bawat titik mo sa panulat.
Hindi kita tinigilan hanggang maisatinig ang iyong tula.
Tiwala sa sarili ay itinatanim ko sa iyo twina.
Dahil marunong kang tumanggap at makinig, ngayon ang iyong talent ay inaani mo na.
Sa iyong pagiging dalubhasa sa pagpinta, buong mundo ay napahanga mo na.
Sa bawat pagkaing maingat na niluto, may pusong tumupad sa pangako.
Kailan man ay hindi ako naghintay ng kapalit.
Tanging hiling ko ay iyong sarili pagyamanin at paunlarin upang pangarap ay makamit.
Ang inyong mga obra ay sapat na, tanging kayamanan ng ina sa literatura.
Manatiling mapagkumbaba, matulungin, at mapagkalinga sa kapwa.
Kapag lumaki ang iyong ulo, sa hamon ng buhay dulot nito ay pagkasawi at pagkatalo.
Pagbibigay pugay sa mga pintor.
Malikhaing kamay, malaya, walang diktador.
Iguhit ang buhay na makulay, puno ng aral, walang lumbay.
Sa inyong lahat kami ay nagpupugay.








Leave a Reply