Para sa sarili ko ang tulang ito,
Dahil gusto kong ipaalala dito
Na ako ay may sariling angking ganda at talino,
Na ako ay hinubog bilang nag-iisang ehemplo
Ng ating Maykapal na nagkatawang tao.
Minsan, hindi maiiwasan ang magtanong ng kahalagahan,
Ikukumpara ang mga kalakasan at kahinaan,
Hanggang sa mawalan ng tiwala sa katauhan.
Pero pagsapit ng gabi at ako’y nakahiga sa isang tabi,
Naiisip kong magpasalamat at ako’y pinagpala at palaging nakangiti.
Ako ay bukod-tangi sa lahat,
May sariling desisyon at kakaibang pangarap,
May sariling disposisyon at kahit lumaki sa hirap,
Hindi kailanman nakalimot sa mga taong kasama sa pag-abot ng alapaap.
Palaging nakatuntong sa lupa na puno ng pasasalamat.
Ako ay natatangi. Isasa-isip at isasa-puso ko ito,
Para makaya kong pumayagpag sa mundo.
Ang kaharian ko ay malapit nang mabuo.
Kailangan lang ng pananalig at pananampalatayang mula sa kaibuturan ng aking puso.








Leave a Reply