Musika

By Melody Nadal Aka Ody Munson

Bahagi ng mayamang kultura.
Malayang umawit, huwag kabahan.
Nanalaytay sa ating dugo ang pag-awit at pag-kanta.
Kahali-halinang nota ng musika.

Sabayan ng pag-indak sa agos ng buhay.
Hindi naman kailangan perpekto at singtaas ng tore ang pag-birit sa mga nota.
Basta nagdulot ng saya ay sapat na.
Salamat, mga mahal naming mang-aawit.

Ang inyong tinig sa amin ay hindi ipinagkait.
Kusang loob, sa inyo ay walang pumilit.
Pagmamahal sa sining sa puso at isipan nakaukit.
Para sa inyo ang tulang ito, walang alinlangan at pasubali.

Leave a Reply

Trending