Tahimik na ang gabi.
Oras ng magpahinga at kalimutan muna ang pighati.
Dala ng isang maghapong pakikibaka, halos maubos na ang iyong ngiti,
Pero patuloy pa din at bukas ay makakabawi.
Malamig na simoy ng hangin
Ang dumadantay sa’yong pisngi, na para kang nananalamin,
Na sana’y natupad mo ang kagustuhan niya’t tagubilin.
Sa kasarapan ng tulog mo, bigla kang naalimpungatan.
Ang bilog na buwan ay iyong nasilayan.
Mula sa bintana, ika’y nasulyapan.
Nang dala niyang kislap, ika’y naliwanagan.
At ika’y napaisip sa iyong muling pagpikit,
Na ang bawat pasakit, kaya mong iwaglit.
Sapagkat gaya ng bilog na buwan, ito’y pasilip-silip lang,
Dahil bukas ay may panibagong araw na sisikat naman.








Leave a Reply