Sigarilyong hindi nauubos,
Pero ang katawan mo’y unti-unting nauupos.
Parang kandilang nasindihan,
Unti-unting natutunaw.
Ang sigarilyo’y banta sa iyong kalusugan,
Ngunit bakit iyong kinagigiliwan?
Para bang isang kaibigan
Na palagi lang nandiyan.
Hithit ka ng hithit,
Pero hindi mo magawa kahit ang mag-ahit.
Tumanda ka ng higit,
Lupaypay pa ang katawan sa sakit.
Sigarilyo’y iyong iwan
At tuluyang kalimutan,
Para ang katawa’y gumaan,
Maginhawa palagi ang kalusugan.








Leave a Reply