Noong mga panahong uso pa ang sulat,
Ako’y kinikilig habang binubuklat.
Bawat letrang ipininta ay nakatatak
Sa puso kong galak na galak.
Noong mga panahong uso pa ang beeper,
Ako’y kinakabahan hanggang I feel better.
Bawat mensahe mo kahit na maikli,
Ako nama’y kinikilig at muntik nang maihi.
Noong mga panahong uso pa ang telegrama,
Ako’y excited makatanggap, bumabangon agad sa kama.
Kapag ang mensahero ay sumigaw na,
Alam kong laman nito’y pagmamahal mo, sinta.
At ngayon nauso na ang cellphone,
Bawat tunog nito’y iba’t ibang ringtone.
Pero para sa’yo ito’y inayos ko,
Lahat ng tunog ay puro I love you,
Para pagtawag mo, puso ko’y masayang totoo.








Leave a Reply