Inggit

Ang inggit ang sakit na puno ng hinanakit.
Ang puso mo ay palaging nagngingitngit.
Kaya’t kaibigan, huwag mo itong ugaliin,
Sapagkat ito’y walang lunas, buhay mo’y babawiin.

Sabi ng matatanda, “kapatid daw ito ng magnanakaw.”
Ang sabi ko naman, parang larawan ko ay “napukaw”.
Aking napagtanto, ito nga ay kinuha
Para lamang gamitin sa paninira.

Ang ugaling ito ay nakamamatay,
Daig pa ang Covid-19 sa ating buhay.
Kung kumalat ito’y may networking din,
Sapagkat ang Facebook ang kanilang gagamitin.

Kaya’t kaibigan, sana’y mabasa mo ito,
Para habang maaga ay malaman mo ang totoo,
At ng sarili mong buhay ang atupagin mo.
Huwag kang mang-angkin ng mga bagay na hindi iyo.

Sapagkat narito tayo sa mundo
Para maghasik ng kapayapaan at hindi manggulo.

Leave a Reply

Trending