Mga Iniisip Ko Habang Katabi Kita Sa Kama

Patak ng mga araw, dahan-dahang lumalaho sa mga anino.
Tagos sa puso ang paghihinagpis.
Palayain ang madilim na kahapon.

Bakas ng luha sa pisngi, tanda ng bagong bukas.
Bakas ng halik sa mga labi, tanda ng pag-ahon sa dilim.
Sinag ng araw sa mata, binubulag ang pag-asa.

Ipanalangin ang aninag ng gabi at diwa ko’y sa iyo mananatili.
Yakap mo’y huhusgahan sa pagpawi ng unos
At dadalhin sa kalawakan ng puso.

May pagtitiis sa kabila ng hiwaga ng sandaling ito.
Ipanalangin ang aninag ng gabi, at ako’y sa iyo mananatili.

Leave a Reply

Author

Trending